Click.Read.&Reblog
HAHAHA! Napaka-meaningful ng araw na ito. Ang sarap balik-balikan, gunitain at alalahanin. Nakasama ko yung mga taong mahalaga sa’kin. Thankful ako sa lahat ng nakasama ko, naranasan at natutunan ko ngayong summer. Yung makasama ko sila Mhe, Luz at Jho na maglakad-lakad sa Marikina, kumain sa McDo, tumawa ng tumawa ng walang kahiya-hiya kahit maraming tao. Ngayon ko napag-alamang, NAMISS KO SILA ng sobra, seriously. Salamat sa pagtya-tyaga nila sa’ken. I am blessed to have them as my friends. Hahaha! :))) Grabihan sa O.A. ang experience ko ngayong araw. Nag-explore kaming apat para lang marating ang Teatro Marikina, independently. So worth it naman at napaka-adventurous. Sayang nga lang at maaga sila umuwi pero okay lang, at least nagbigay sila ng oras para lang manuod haha! (thankful)
Kanina naman, noong uwian.. haha! Mag-isa na akong umuwi kasi nag-PICNIC Day 2 kami. Naranasan ko nang mag-commute mag-isa mula sa Marikina papuntang Quezon City at maglakad sa madilim naming street. Tiwala lang na makakayanan kong mag-survive maglakad dun. Kaya ayun, buhay pa naman ako hanggang ngayon. Hindi ko na inisip ang sermon ng nanay ko, at least nakasama ko sila hanggang gabi. HAHAHA! Fortunately, hindi naman ako pinagalitan nang pinakita ko yung 2nd Diploma ko as 3G Graduate. Sobrang saya na kahit kulang kami ng 10 na kaibigan eh in-imagine nalang namin na andun sila. Kahit saan at kahit anong oras man kaming hindi magkaka-sama-sama. Sa puso namin, lagi kaming buo; Lagi kaming kumpleto. 3G Kids are unique and gorgeous in the most special ways.
Nakakatuwa at nakatanggap ako ng mga letters at candies mula sa kanila. Haaays, na-appreciate pala nila ang isang katulad ko. Gosh, I’m so touched. Naiiyak na nga ako kanina, pinilit ko lang ang hindi umiyak kasi sobrang iyakin ko na sa harap nila nitong mga nakaraang okasyon. Pinili ko ang magpakasaya. HAHAHA! Kaso lang, meron talaga dung nakaka-laglag puso kung magbigay ng dedication & message. Yung isang tao na harap-harapang idineklara ang pagkakaibigan namin.. haha! Hindi ko in-expect na may tao pang magsasabi sa akin ng ganon. :’) Sobrang NGA-NGA ako. Siguro nga, hinuli niya ako at nilagpasan sa pamimigay niya ng kendi — pero sa huli, napaka-MAKATANGGAL ORBIT NG EARTH ang sinabi niya sa’ken. Tatanawin ko yun as THE MOST TREASURED MOMENT IN MY LIFE. :’) Mahal ko talaga yung taong yun. XD
3G-Beybeh! ∞- Together we stand as ONE FAMILY endlessly! ♥ ♥ ♥
Sobrang mamimiss ko silang lahaaaaaat. >:’D< Nakakabitin ang 2 months. Nakakalungkot ang hindi ko sila makita! :( Haaaaaay, hanggang sa muli.. 3G♥
Ahaha! Natuwa ako ngayong araw kasi nakita ko na naman yung mga close friends ko nung 2nd year and 1st year HS. Hahaha! Nagtawanan na naman kami. Ang kaso lang, paano naman kung makita ko ulet yung mga classmates ko nung 2nd and 1st year HS na mga asungot sa buhay ko? WAHAHA! JOKE. Bitter bigla? Aah b’sta, bigla akong na-excite pero hindi pa rin nawala ang pangamba sa pagiging Perseus-sian ko! Curious pa rin akong pasukin ang bagong pintuan tungo sa mundo ng mga konstelasyon! Ano kaya ang mangyayare sa’ken/sa’men sa buong taon ng pag-aaral ko bilang isang 3rd year HS student?
(p***** i**** citation yan HAHAHAHA) (sorry sa words pero ito ang feelung ko sa nangyari.) -Kuya A***n.
Haynako! Akala ko wala lang reaction yung mga tao under the rule of the witch meron pala. Nakaka-asar isipin na madaming tao na pala ang against sa kabalbalan na pinaggagagawa niya pero hindi pa rin siya tumigil. Pagkatapos niyang pahirapan yung sarili niya sasabhin niyang “PAGOD NA AKO!” tapos iiyak-iyak pa. How dare you to say na pagod ka na? Eh sa ginusto mo iyan eh. KAINIS KA! >:P Pinapalaki mo lang yung butas na sobrang liit samantalang pwede mo namang tagpian nalang o tahiin. Issue ka ‘teh. Gawa ka na rin telenovelas! >;)
Isa pa, biglang pumasok sa isip ko ‘to: Pa-recrute-recrute kayo ng mga performers pagkatapos papabayaan niyo lang. Para lang silang nagpagod sa wala. Nag-invest pero masasayang lang. Ano to? Gamitan? Potakte, lokohan pala ‘to eh. DIE NOW. Sana iningatan niyo nalang. Ayoko magtanim ng sama ng loob pero nakakasama talaga kayo ng loob at ano nga ba ang tamang gawin? Ang dapat gawin ay manahimik, sumunod sa utos dahil sa huli mas nasusunod pa rin ang may kapangyarihan hindi ang nasa katuwiran. This is LIFE. The factyou should know! >:|
3G-gee-gee beybeh-beybeh! :)) Ang PINAKAMALANDI, PINAKAMASAYA, PINAKA-KABOG, PINAKA-BANGAG na section na minahal ko ever. Dito mo makikita lahat ng cooperative, mapagmahal, mapagpasensyang mga kaklase at isa pa — meron silang NAPAKALAWAK NA PANG-UNAWA. Ramdam ko na pinapahalagahan ako kapag sila ang kasama ko. Ramdam ko na importante ako kapag sila yung nasa tabi ko. Yung pagmamahal ng isang section, sa kanila ko lang naramdaman. Sa lahat ng SUMMER-SCHOOL LIKE EXPERIENCE.. ITO NA ANG PINAKA-PERFECT. Siguro nga, lagi naman kasing OVERQUALIFIED ang 3G. Kaya siguro hindi kami magkakasama-sama bukas sa mata ng ibang tao.. pero sa mga puso, isipan at paniniwala namin.. LAGI KAMING MAGKAKASAMA! WALANG IWANAN - LAGING NAGTUTULUNGAN. Maraming salamat sa mga KAIBIGAN, KAKLASE, KA-HARUTAN, KA-DALDALAN, KA-LANDIAN at sa mga COOL, SUPER SUPPORTIVE, LOVABLE, CUTE, and APPRECIATIVE naming mga ADVISERS&&TUTORS. Lahat kayo, sobrang minahal ko at salamat kasi.. sinuklian niyo lahat ng yun. Salamat sa lahat ng pagmamalasakit, sa lahat ng tawa, iyak, pressure, frustration at kalokohan. Kahit sabihin man ng iba na 2MONTHS lang naman tayo nag-sama.. WALA YUN. Sobrang sapat ang 2 months para masabi kong.. 3G YOU LIGHT UP MY WORLD LIKE NOBODY ELSE pero syempre sobrang KULANG ang 2 months para makasama ko pa yung mga taong katulad niyo! Salamaaaaat >:D< Salamat sa lahat ng Scavenger Hunt, Pathways@10, English Appreciation Day(Literati), Mathematics Appreciation Day, Chemistry Appreciation Day, at SUPER-ACADS DAY. Salamaaaaat sa OrSem! Sa PROMENADE lalo na! Sobra-sobra-sobra-sobrang MAHAL KO KAYONG LAHAT~ Na-invade niyo ang space sa puso ko! SOBRANG MA-MI-MISS KO KAYOOOOOO! MAS MATINDI YUNG IYAK KO NGAYONG GABI. MAS MATINDI PA SA PINAKA-MATINDING IYAK KO NOON. 3G∞- Together we stand as ONE FAMILY endlessly! ♥ ♥ ♥
Mamimiss ko kayo- lahat ng “QUOTABLE QUOTES”, Kabaliwan, Improvised A-B at iba’t-iba pang nakaka-basag ulong kalokohan natin sa loob ng room 305. Lagi kong tatanawin ang section 3G as a DREAM COME TRUE. My Ideal Class everything nice! Nakakaiyak lang kanina, kasi pwede ko lang silang makasama sa loob ng 2 months. “And it hurts me more than you know, so much more than it shows” -All at Once♪♫
1:11am na pala. Ang hirap pala gumawa ng ganitong design pero okay lang, alam kong worth it naman. Hohoho~ Pinagtyagaan ko lang ang mag-puyat para dito. Natuwa rin naman ako. Medyo kulang pa ng mga tutors sa Geometry. Ijustlovethis. Super mamimiss ko ang 3G Family in A.N.I. HAHAHA! See you all soon! ;)))
May mga tao talagang iiwan ka ng hindi mo inaasahan.
Si Tama— siya na naghahanap ng kapayapaan sa mundong ito. Siya na gustong makatagpo ng isang taong magiging totoo sa lahat ng anggulo sa buhay niya.
Si Mali— lumalaban para sa pagkakapantay-pantay dahil mismong siya hindi niya yun maramdaman. Isa ring nilalang na naghahanap ng makakasama, kaagay at kaibigan.
Isang araw . . nagkatabi si Tama at si Mali. Nagka-usap pero hindi gaano. Tanong-tanong pero walang koneksyon ang bawat isa …
Hanggang sa lumipas ang mga araw, mas madalas na silang nag-uusap. Dumating nga yung isang pagkakataon kung saan binigyang pagpapahalaga ni Mali si Tama. Pinaramdam nito sa kanya kung gaano kahalaga si Tama sa buhay niya. Araw-araw nagkakamustahan sila, araw-araw mas nakikilala nila ang pagkatao na meron sila.
At dumaan ang mga araw na napagtanto ni Tama na unti-unti na siyang napapalapit kay Mali. Natatakot siya na baka maulit ang mga bagay na laging nangyayari sa kanya kapag lumalapit sa kanya ang mga sitwasyong gaya nito.
Napag-isip-isip ni Tama na lumayo. Nagpaka-abala siya sa mga bagay-bagay para maubos ang oras niya at hindi na maisip pa si Mali. Sa kabilang dako naman, nagtataka si Mali kung ano ang mga nagawa niya at kung bakit pilit na nilalayuan siya ng taong sobra niyang pinaglaanan ng oras. At sa kaka-isip, kaka-hintay sa muling pagbalik ni Tama, kaka-asa na magiging tulad pa sila ng dati — NAPAGOD SIYA. Napagod at lumakad pasulong.
Samantala, habang naglalakad si Mali papalayo. Sa hindi niya pagkaka-alam na sa araw-araw na paglayo ni Tama sa kanya . . araw-araw din siya nitong pinagmamasdan. Umaasa na sa paglayo niya, mahahanap din ni Mali ang nararapat sa kanya. Yung taong hindi duwag sumugal ulit. Yung taong handa sa anumang sugat at galos. Yung taong handang magmahal at masaktan ng paulet-ulet.
Owkay. CUT NA! Lumayas na si Mali. Hindi na sila muling nagkita pa. At si Tama nabuhay sa mundo ng “What if?” At si Mali, naging katulad ni Tama! NA-TRAUMA.
Ayun na nga, so what’s the lesson? Hindi lahat ng TAMA ay TAMA at hindi lahat ng MALI ay MALI. Minsan talagang mali at minsang talagang tama. Minsang akala mo TAMA pero MALI pala. Minsan akala mo MALI pero yun pala ang TAMA.
Si Tama na naghahanap ng kapayapaan sa mundo pero nung nag-offer sa kanya ng Frvr-in-Peace, natakot siya. Natakot siyang sumubok.
Si Mali na lumalaban sa pagkaka-pantay-pantay pero mismong siya pinipili ang landas kung saan, siya yung laging nag-e-effort magbigay ng magbigay ng pagmamahal kahit hindi siya siguradong susuklian siya, bigay pa rin.
Kaya naman, yung mga taong nagpapahalaga sa’tin dapat hindi natin iniiwan. Dapat minamahal din natin, siguraduhin nating nasusuklian natin yung mga kabaitan nila. Although alam natin na hindi naman sila nanghihingi ng kapalit pero alam mo yun? Naghahanap din sila ng feeling of acceptance, appreciation and belongingness. Let’s give LOVE — EVERYDAY. Wag kang matakot na sabihing mahal mo sila, baka kasi kaka-ignore mo sa ginagawa nila para sa’yo, magising ka nalang isang araw tulad ni Mali napagod siya at— THINGS WILL NEVER BE THE SAME AGAIN.
#Goodnight.